The Publication

About & contact

Punla ng katotohanan — the seed of truth. Likas Publication is written, edited and photographed by its own staffers, and published continuously from the staff portal.

Our Mission

Hinahanap at iniuulat ng publikasyon ng Likas ang katotohanan tungkol sa mga kuwentong pangkapaligiran na umiikot sa mga paksang pinag-uusapan man o hindi. Muling itinutuon namin ang pansin sa aspeto ng buhay at karapatang pantao sa mga talakayan tungkol sa pagbabago ng klima, kaunlaran, komersiyalisasyon, at pagkasira ng kapaligiran. Bilang pagsuporta sa misyong ito, ang aming publikasyon ay naninindigan para sa pananagutan, hustisya sa klima, at aktibong pakikilahok ng mamamayan.

Our Vision

Tinatanaw ng Likas ang pagkakaroon ng aksesible at makatotohanang impormasyon upang mapanatiling may kaalaman ang mga mamamayan at maging handa sa pagkilos tungo sa pangkalikasang hustisya.

Our Values

Sa mga ulat nito, ang publikasyon ng Likas ay may mga pinahahalagahang asal na angkop para sa pamamahayag sa kapaligiran na nakabatay sa karapatang pantao:

Katotohanan

Lahat ng aming ginagawa ay batay sa katotohanan, na sinuri gamit ang balangkas ng karapatang pantao at hustisya sa klima.

Katarungan

Kinikilala ng Likas ang pagkakaiba ng kapangyarihan sa pagitan ng mga nilalang na may kamalayan at walang buhay, malalaking korporasyon at ordinaryong mamamayan, at mga entidad na may makinarya sa politika at mga tanggol-kalikasan.

Independensiya

Ang lahat ng ulat ng Likas ay hindi madudungisan ng panunuhol o panlabas na impluwensya. Ang Likas ay naglalathala ng mga kuwento na may mga anggulo, pagsusuri, at impormasyong malayang naberipika.

Privacy

We collect nothing from readers: no accounts, no tracking cookies, no mailing list. Staff accounts are used only to sign in to the portal, and only an editor can see the roster of pending accounts. Contact details sent to the desk are used to answer you and nothing else.